-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Tahasang pinabulaanan ng local coordinator ng KAPA investment scam at mastermind umano sa pagpatay sa isang manager ng isang FM station sa Kidapawan ang alegasyong sumapi at kinakanlong na umano siya ng New People’s Army.

Sa isang pahayag, mariing itinanggi ni Dante Encarnacion Tabusares, alyas Bong Encarnacion na umanib na umano ito sa naturang grupo na nag-ooperate umano sa lalawigan ng North Cotabato.

Ito ay matapos lumabas umano ang report mula sa Presidential Task Force on Media Safety kung saan itinuturing umanong “desperate attempt” ang pagtakas ni Encarnacion dahil siya ang itinuturong mastermind sa pananambang-patay kay Eduardo Dizon.

Kung matatandaan, inilabas ang arrest warrant laban kay Encarnacion dahil sa pagpatay sa station manager ng Brigada News FM Kidapawan nang papauwi na ito sa bahay mula sa kaniyang trabaho.