KORONADAL CITY – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na kinakanlong umano ng New People’s Party ang suspek sa pagpatay sa station manager ng isang FM station sa Kidapawan City.
Ito ang ipinaabot na impormasyon ng tanggapan ng AFP Public Affairs Office sa PTFoMS kung saan nagtatago umano ang suspek na si Dante Encarnacion Tabusares alyas Bong Encarnacion sa North Cotabato.
Si Encarnacion ang itinuturong suspek sa pagpatay sa station manager ng Brigada News Kidapawan station manager Eduardo Dizon.
Ayon sa AFP, tumakas umano si Encarnacion papunta sa NPA bilang isang desperate attempt upang maiwasang maaresto matapos inilabas ang arrest warrant laban sa kaniya.
Una rito, binaril-patay ng riding in tandem suspects si Dizon habang papauwi na ito sa Makilala dahil sa matatapang na komentaryo nito sa KAPA, kung saan local coordinator sa naturang investment scam si Encarnacion.