Inamin ni KAPA founder Joel Apolinario na nahihirapan na rin siya sa pagtatago dahil sa dami ng humahabol at naghahanap sa kanila.
Sa isang remote broadcast na inilabas nito, inilarawan niyang parang magnanakaw ang kaniyang pagtatago ngayon para makapag-ingat laban sa mga bantang pag-aresto at panganib sa buhay.
Nanawagan naman ito sa kaniyang mga miyembro na manatili ang suporta sa kaniya sa gitna ng mga kinakaharap na problema.
Samantala, nagbabala naman ang Securities and Exchange Commission (SEC) na maaaring magkaroon ng mga karagdagang pananagutan ang KAPA officials na patuloy sa paghimok ng mga miyembro para sa investment at iba pang aktibidad.
Ayon kay SEC Chairman Emilio Aquino sa panayam ng Bombo Radyo, malinaw na labag sa batas ang mga aktibidad ng KAPA dahil kanselado na ang legal na pag-iral nito.