-- Advertisements --
KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario

KORONADAL CITY – Naniniwala ang isang abugado na dapat nang magpalabas ang korte ng warrant of arrest laban kay KAPA – Community Ministry International Inc. founder Joel Apolinario at sa iba pang mga kasamahan nito sa investment scam.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Atty. Francis Carlos, isang private lawyer sa South Cotabato, mas nababagay umanong may warrant of arrest si Apolinario at ang mga kasabwat nito sa halip na warrantless arrest upang mapabilis ang pagpapanagot nito sa batas lalo na at nagawa na ng mga ito ang krimen.

Importante umanong maaresto na ito lalo na at wala itong balak na sumuko at patuloy pa ring nagtatago dala ang bilyones na pera ng mga miyembro na hanggang sa ngayon ay umaasa pa ring magbubukas ang KAPA.

Napag-alaman na ayon sa isang mapagkakatiwalaang source ng Bombo Radyo Koronadal, nagpahayag umano ang pamunuan ng KAPA na kung hindi pa rin papayagan ng gobyerno na makapag operate ang KAPA ay gagawa umano sila ng panibagong grupo na kahalintulad ng operasyon sa KAPA investment scam.