-- Advertisements --
KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario

KORONADAL CITY – Patuloy pa rin ang pagmamatigas ni Kabus Padatuon (KAPA) founder Joel Apolinario na lumantad na at harapin ang mga kasong isinampa sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI) at Securities and Exchange Commission (SEC) pati na ng mga galit na biktima ng itinatag nitong investment scam.

Sa inilabas na pahayag ng KAPA founder, iginiit nito na seryoso umano ang mga banta sa kaniyang buhay, dahilan kaya hindi pa rin ito lalantad sa publiko.

Dahil sa pahayag ng KAPA founder ay mas galit at dismayado na ang karamihan sa mga miyembrong umaasa sa pangako nitong magbubukas silang muli sa kabila ng crackdown na isinagawa ng NBI, PNP, at SEC laban sa iligal na operasyon ng grupo.

Iginiit ni Apolinario na mas prayoridad niya raw ngayon ang pangangalaga sa kaniyang buhay kaysa sa pagsauli ng pera ng mga biktima.

Muli din nitong hinimok ang mga miyembro na huwag siyang sampahan ng kaso.