-- Advertisements --
KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario

Tinawag ng kontrobersiyal na founder ng KAPA o Kabus Padatoon ministry na si Pastor Joel Apolinario na “suntok sa buwan” ang panawagan sa kanilang mga miyembro na maibalik pa ang mga na-invest na pera.

Sinisisi ni Apolinario ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa pagpapasara sa kanilang mga tanggapan.

Kung maaalala una nang iniutos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang crackdown sa mga opisina ng KAPA dahil ang operasyon nito ay isang uri ng Ponzi scheme o pyramiding scam.

Inamin din ng pastor na maging ang iba niyang mga negosyo tulad ng fishpond ay hindi na rin makagalaw dahil sa ipinataw na freeze order ng SEC at ng Anti-Money Laundering Council.

Inamin naman nito ang pagtatago bilang paniniguro lang dahil na rin sa kanyang seguridad.

Ang SEC ay una na ring naghain ng kaso laban kay Apolinario at sa iba pang mga opisyal at incorporators ng kanilang grupo.

Maging ang Bureau of Immigration ay naglabas din ng “lookout bulletin” laban kay Apolinario at iba pa.

Nasa P100 milyon din at ilang luxury vehicles ang isinailalim ng SEC at Anti-Money Laundring Council (AMLC) sa freeze order.

“Kung hindi kami pagbigyan nang pagkakataon na makapag-operate muli ‘yong aming ministry talagang sasabihin na namin na parang suntok sa buwan na ‘yon dahil hindi ko na makukuha rin yong mga naibigay ko sa mga tao,” ani Apolinario sa isang panayam.