-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Naniniwala ang isang abogado na sagot ang administrative settlement para masolusyunan ang isyu ng Kabus Padatuon (KAPA) Community Ministry International Inc., na pinaghihinalaan bilang investment scam.

Ayon kay Atty. Rey Cartojano, co-anchor ng Duralex Sedlex ng Bombo Radyo GenSan, pagkakataon ito ng kampo ni KAPA founder Pastor Joel Apolinario para pag-aralang mabuti ang nakasaad sa Securities Regulation Code.

Paliwanag ng abogado, maituturing na kasong kriminal ang pagtatago ng ebidensya ng isang guilty na indibidwal batay na rin sa nilalaman ng Criminal Code.

Naniniwala si Cartojano na dapat magpakita sa publiko ni Apolinario kung talagang malinis ang konsensya nito sa akusasyon.

Hamon din aniya ito para patunayan ng pastor founder na “in good faith” ito sa kanyang mga miyembro.

Kung maaalala, huling humarap si Apolinario sa KAPA members nang magkaroon ng prayer rally sa General Santos City.

Inanunsyo pa nito na mag-uusap sila ni Pangulong Rodrigo Duterte pero sinupalpal ito ng presidente nang inanunsyo nito ang pagpapasara sa KAPA.