Inamin ni KAPA founder Joel Apolinario na mismong sa hanay ng kanilang grupo ay may mga nagsulputang gumagawa na rin ng sariling grupo para sa kanilang saring pakinabang.
Ayon kay Apolinario, isa sa mga ito ay lider pa ng kanilang Sarangani area.Inakusahan pa ni Apolinario ang isang Jun Ferolino ng paglabag sa ilang probisyon ng intellectual property code dahil sa paggamit nito ng pangalang KAPA nang walang pahintulot.
Pero sa nakaraang panayam ng Bombo Radyo kay Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Emilio Benito Aquino, sinabi nitong anumang operasyon ng KAPA, mula sa orihinal na itinayo ni Apolinario o sub-group nito ay iligal kung magsasagawa ng anumang investment process.
Aniya, kanselado ang permit ng KAPA, habang wala namang accreditation ang alinmang grupo na nagpapakilalang bagong sangay nito.