CAGAYAN DE ORO CITY – Hawak na ng local court ng Cagayann de Oro City ang pinuno sa nabuwag ng gobyerno na Kabus Padatoon (KAPA) na si Pastor Joel Apolinario na nahaharap ng kaliwa’t kanan na mga kasong kriminal sa magkaibang hukuman dito sa bansa.
Ito ay matapos unang nahuli nang pinag-isang operasyon ng state forces si Apolinario kasama ang kanyang maybahay at ilang armadong mga miyembro habang nagtatago sa resort na nakabase sa Sitio Dahican,Barangay Handamayan, Lingig, Surigao del Sur noong nakaraang taon 2020.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni officer-in-charge Security and Exchange Commission 10 Atty Frederick Enopia na ang pagkalipat kay Apolinario mula sa kustodiya ng PNP Caraga ay alinsunod sa warrant of arrest ni Apolinario sa kasong syndicated estafa na nakahain sa sala ni RTC Branch 21 Presiding Judge Gil Bollozos nitong syudad.
Sinabi ni Enopia na nag-ugat ang kasong kriminal na kinaharap ng akusado matapos dumulog sa NBI-10 ang isa mga nagsilbing investor nito dahilan na nilabasan ng warrant of arrest na kasalukuyan nang naka-kustodiya sa Lumbia City Jail sa lungsod.
Bagamat inihayag ng opisyal na wala na silang karagdagang impormasyon kung nabasahan na sa kinaharap na kaso si Apolinario.
Si Apolinario kasama ang kanyang umano’y private army ay nakipag-engkuwentro pa sa mga otoridad bago tuluyang naaresto at nag-resulta pagkasawi ng dalawa sa kanyang tauhan at pagka-kompiska na rin sa maraming matataas na mga baril sa pinagtaguan nito na isla sa Surigao del Sur taong 2020.
Ang pinasok na double your money investment taking ni Apolinario ay naging mainit na paksa sa mga himpilan ng Bombo Radyo Philippines hanggang nakaabot sa atensyon ni Presidente Rodrigo Duterte at tuluyang ipinag-utos sa NBI at PNP na ipasara dahil hayagang panloloko sa tungo sa mga tao.
Katunayan nag-imbento pa ng eksena gamit ang ilang mga otoridad na miyembro nila upang ma-frame up ang station manager at news director ng Bombo Radyo Gensan para mapatahimik ang mainit na talakayan laban sa laganap na panloloko noon sa publiko.