Kinumpirma ni KAPA founder Joel Apolinario na nagpasaklolo na sila sa international human rights groups para maiakyat sa international court ang kanilang reklamo kay Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal ng gobyerno dahil sa pagpapasara sa kanilang organisasyon.
Ayon kay Apolinario, na inilabas sa kanilang programa, ito daw ang naiisip nilang option para muling maibalik ang operasyon ng kanilang grupo.
Pero para sa SEC, walang hurisdiksyon ang anumang tanggapan sa mga hirit ng KAPA dahil kailangan muna makompleto ng anumang investment business ang kanilang permit para makapag-operate.
Ayon kay SEC Chairman Emilio Aquino, kung hindi magagawa ni Apolinario na makapag-comply sa mga obligasyon, wala itong karapatang umasta na parang sila ang biktima.
Katunayan, sa preliminary investigations ay hindi man lang ito sumipot, kahit inisyuhan na ng subpoena ng prosecutors office.