-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Ipinauubaya na ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya sa mga otoridad ang imbestigasyon sa umano’y KAPA investment scam sa lalawigan.

Ito ay kasunod ng raid sa tanggapan ng KAPA Community Ministry International Incorporated sa bayan ng Bagabag ng pinagsanib na puwersa NBI, Police Regional Office 2, Securities and Exchange Commission at National Intelligence Coordinating Agency Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Carlos Padilla, sinabi niya na ngayon lamang niya nalaman na may investment scam sa lalawigan dahil walang nagparating ng impormasyon.

Matatandaan na walang nadatnan ang mga otoridad nang isilbi ang dalawang search warrant ngunit nasamsam nila ang mga ginagamit na operasyon ng KAPA tulad ng computer at iba pang dokumento.