GENERAL SANTOS CITY – Marami pa ring mga investors ang umaasa na maibalik ang kanilang pera na na-invest sa Kabus Padatuon Ministry International o KAPA.
Ito ay makaraang bumuhos sa sinasabing devotional prayer o orientation kahapon sa mga hindi nabigyan ng payout matapos ipinasara ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga otoridad ang mga tanggan ng KAPA noong buwan ng Hunyo.
Kung maalala binansagan ng Pangulong Duterte na “continuing crime” ang ginagawa ng KAPA dahil sa pagiging Ponzi scheme nito o pyramiding scam.
Napag-alaman na sa ipinalabas na impormasyon ng KAPA, sisimulan daw ang operasyon nito kung saan magsisimula na sa pagtanggap ng donations sa Setyembre 8 hanggang sa Setyembre 30 ngayong taon subalit wala pang pay-out o blessings.
Idinagdag pa na ang nakapagbigay ng deed of donation noong May 1, 2019 hanggang June 7, 2019 ang makakatanggap umano ng blessing ngayong October 2019 na mayroong 40% na interes.
Hindi na rin umano tatawaging donation ang pay-in at blessing ang pay-out bagkus isa ng deposit at withdrawal at idadaan ang pay-out sa government bank.
Una nang pinasinungalingan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nagbigay sila ng go signal sa pagbubukas ng KAPA sa pamamagitan ng isang public advisory.
Napag-alaman na patuloy ang pagtatago ng founder na si Joel Apolinario at Reyna Apolinario na may kinakaharap na kasong tax evasion sa BIR.
Si Pastor Joel at ilang mga opisyal ng KAPA ay kinasuhan na rin ng SEC at NBI.
Liban sa hold departure order sa mga ito, na-freeze rin ng AMLC ang P100 million nito at mga assets.