KORONADAL CITY – Magsasagawa umano ang pamunuan ng Kabus Padatuon Community Ministry Incorporated o KAPA na pinamumunuan ni Joel Apoliario ng prayer vigil kasama ang mga myembro nito.
Ito ay kasunod ng naging mainit na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uutos sa National Bureau of Investigation (NBI) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ipapasara na ang lahat ng operasyon ng KAPA.
Una rito, nagsilabasan sa social media na kung sinuman ang mawalan ng loyalty sa grupo, ay blacklisted na at hindi na makakakuha ng 30% monthly interest.
Sa ngayon, marami ng mga miyembro ang naalarma sa nasabing pahayag ng pangulo at balak nang kunin ang kanilang pera sa mga opisina ng KAPA bago paman ang implementasyon sa pagpapasara nito ngunit sarado ang tanggapan nito ngayong araw.
Kung matatandaan, ipinahayag ni Apolinario na ang mga mahihirap umano ay sakop ng kaharian ni Satanas dahilan upang itinayo nito ang KAPA upang ma-iahon umano ang mga ito sa kahirapan.