-- Advertisements --
Makikipagsabayan umano ngayong araw ang mga miyembro ng KAPA para mag-rally laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, kasabay ng State of the Nation Address (SONA).
Mangangalampag umano ang mga ito sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, habang mayroon din sa Toril, Ulas at Panabo sa Davao dahil sa pagpapasara sa kanilang investment scheme.
Inanunsyo pa mismo ang panawagan sa pamamagitan ng sariling radio station ng nagtatagong si KAPA founder Joel Apolinario.
Tiniyak naman ng PNP na magpapatupad sila ng maximum tolerance sa grupo ng KAPA, kagaya ng ibibigay nilang pagkakataon para mag-rally sa mga militanteng grupo.