Duda ang Securities and Exchange Commission (SEC) na makikibahagi pa sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Department of Justice (DoJ) ang mga nagtatagong opisyal ng Kabus Padatoon (KAPA) investment group.
Ayon kay SEC Commissioner Kelvin Lee, sinasayang KAPA officials ang pagkakataon para maipagtanggol ang kanilang sarili, habang nasa prosecutors office pa lang ang usapin.
Matatandaang hindi sumipot sina KAPA founder Joel Apolinario, asawa nitong si Reyna at iba pa, kahit pinadalhan ng subpoena, ilang araw bago ang preliminary investigation.
Ang DoJ ay nagtakda ng isa pang hearing sa huling bahagi ng buwan para sa isyu ng paglabag ng KAPA sa SEC regulation, habang panibagong mga kaso ang nakatakda ring ihain ng ahensya.
Sa isang pahayag ni Apolinario, sinabi nitong hindi siya lumalantad dahil sa banta sa kaniyang buhay.