LEGAZPI CITY – Kumbinsido ang Bicol Regional Peace and Order Council (RPOC) na kahit malakas ang kampanya ng mga otoridad sa rehiyon laban sa iligal na droga, nananatiling mahina ang performance ng ilang lokal na pamahalaan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Noel Rosal, maituturing na “alarming” ang kapabayaan sa parte ng mga opisyal ng barangay na malabnaw ang kooperasyon sa kampanya.
Ayon pa sa opisyal, may 45 barangay mula sa Bicol na nakalista sa national na hindi aktibong nagsusumite at nagko-comply ng listahan sa problematic users at pushers.
Dagdag pa ni Rosal na may dalawang munisipalidad sa Albay ang inereklamo rin sa Office of the Ombudsman dahil sa hindi pag-implement ng mga requirements sa war on drugs.
Salantala, iginiit ni Rosal na mas madali nang makikita kung ano pa ang kailangan upang mapalakas ang kampanya online at dapat din na palaging ma-beat ang deadline.