-- Advertisements --
image 152

Walang nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para hindi maging bukas sa pagtatag ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ito’y lalo’t makapagbibigay ito ng proteksiyon sa mga Pilipinong mangingisda, gayundin sa maritime territory ng Pilipinas.

Ganunpaman, sinabi ng Pangulo na kailangang maging maingat at hindi dapat magmukhang ‘provocative’ ang hakbang.

Sa halip aniya na mapakalma ang sitwasyon ay maaring mas maging mainit pa ang usapin sa West Philippine Sea na hindi dapat na mangyari ayon sa Pangulo.

Sa kabuuan sabi ng Punong Ehekutibo ay makakatulong ang panukala subalit kailangan talagang lubos na pag-aralan.