-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang dalawang magkasunod na pagpupulong na nakatuon sa kapakanan ng mga Senior Citizens sa lalawigan ng Cotabato.

Noong Pebrero 22 ginanap ang pagpupulong ng Cotabato Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) Heads Association, samantalang noong Pebrero 23 naman ay isinagawa ang 1st Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP) Inc. Board of Trustees regular meeting na dinaluhan ng mga opisyales at miyembro ng asosasyon.

Naging sentro ng mga pagpupulong ang mga programang nakatakdang ipatupad ng OSCA at FSCAP ngayong taon sa tulong ng pamahalaang panlalawigan at iba pang stakeholders.

Napag-usapan din ang mga proposed programs para sa taong 2024 at reorganisasyon ng komitiba mg FSCAP.

Suportado naman ni Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza ang lahat ng programang may kinalaman sa pagsusulong ng pangangalaga sa kapakanan ng bawat senior citizens ng lalawigan na itinuturing nitong pundasyon ng bawat komunidad.