Nagdaos ng engrandeng salu-salo si Russian President Vladimir Putin bilang malugod na pagtanggap kay North Korean Leader Kim Jong Un sa kanilang bansa.
Dito ay nagbigay si Putin ng congratulatory speech para sa pagbisita ni Kim sa Russia bilang pagpapatibay sa magandang samahan ng dalawang bansa.
Nagsagawa naman ng reply speech dito si Kim, kung saan nagpasalamat ito sa maayos na pagtanggap ng Russia sa kanya.
Saad ni Kim na naging direkta at makabuluhan ang pakikipag-usap nito kay Putin tungkol sa pagtitiyak ng kapayapaan at seguridad sa Korean Peninxula at iba pang karatig na rehiyon pati na rin ang parehong pag-aalala ng dalawang pangulo sa international issues.
“The situation on the Korean peninsula and the region is now at a standstill and has reached a critical point where it may return to its original state as the U.S. took a unilateral attitude in bad faith at the recent second DPRK-U.S. summit talks,†ani Kim.
Dagdag pa ni Kim na nakasalalay umano sa susunod na mga hakbang ng US ang kapalaran ng nuclear program sa Pyongyang.
Handa rin daw itong maghintay hanggang bago matapos ang taong ito upang tuluyan nang tanggalin ng US ang sanctions na ipinataw nito sa North Korea.
Nagawa pang imbitahin ni Kim si Putin sa North Korea na agad namang tinanggap ng presidente.
Wala namang komento rito ang U.S State Department ngunit ayon kay William Hagerty, ang US ambassador to Japan, taktika umano ni Kim ang pagbisita niya sa Russia upang kumalap ng simpatya patungkol sa isyu ng denuclearization sa Pyongyang.
“The fact you see Kim Jong Un meeting with Vladimir Putin underscores the fact that the sanctions are working and the sanctions are putting extreme economic pressure on the North Korean regime,” komento ni Agerty.
“What we see is an outreach to try to find a way to deal with it. There is a much simpler way to deal with it and that is to denuclearize,†dagdag pa nito.