Nakasalalay na umano sa kamay ng magiging susunod na head coach ng Philippine men’s basketball team ang kapalaran ni Andray Blatche bilang naturalized player ng koponan.
Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio, nagpapasalamat sila sa naging serbisyo ni Blatche sa Gilas Pilipinas, na mistulang indikasyon na tapos na ang serbisyo nito sa team.
“We’ll leave it to the coach. As I’ve said, he’s already a naturalized Filipino so we will wait for the new coach,” wika ni Panlilio.
Maliban sa paghahanap ng papalit kay Yeng Guiao, inaasahang tatalakayin din sa malapit na hinaharap ang kukuning naturalized player na na hahalili kay Blatche.
Matuog ngayon ang mga pangalan nina Ginebra resident import Justin Brownlee at SMB import Chris McCullough bilang posibleng maging kapalit ng 6-foot-11 big man.
“That’s another process that we need to make. Again, I think it really starts with identifying the coach for the 2023. Based on the assesment of the coach, we will start on the process of naturalization. As I’ve said in the past, we really need at least two names, if not 3, put it in the pool para isang proseso nalang for naturalization,” ani Panlilio.
Sinabi ni Panlilio na nakatuon sila sa lahat ng mga gustong maging naturalized player para sa Gilas, lalo pa’t naghahanda na rin ang bansa sa pagho-host sa 2023 FIBA Basketball World Cup.
Nais din aniya nila na buuin ang pool of naturalized players sa susunod na mga taon.
Pero ayon kay Panlilio, bago ang paghahanap nila ng bagong naturalized player, aayusin muna nila ang isyu sa kung sino ang tatayong head coach ng pambansang koponan.