-- Advertisements --
Hindi raw dapat mag-apura si Social Security System (SSS) Pres. Emmanuel Dooc sa pagbitiw sa puwesto.
Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, marami pang dapat na ipaliwanag si Dooc partikular na sa mababang koleksyon ng ahensya.
Iginiit ni Zarate na ang dapat inayos ni Dooc ang koleksyon ng SSS at hindi ang pagtaas sa kontribusyon at ang pagbibitiw sa puwesto.
Dapat na maipaliwanag din daw ni Dooc kung bakit tumaas ang uncollected premiums magmula noong 2016.
Ang mga bagay na ito ay hindi raw dapat sana tinatakasan ni Dooc sa pamamagitan nang pagbibitiw sa puwesto.
Dapat daw harapin nito ang pagkukulang ng SSS sa ilalim ng kanyang pamumuno gayundin ang mga anomaliya rito.