Nagpaabot ng pagbati ngayong Pasko si Pangulong Rodrigo Duterte para sa lahat ng mga Pilipino.
Sa kanyang Christmas message, sinabi ni Pangulong Duterte na ang taong 2020 ay sinubok ang lahat kung saan marami umano ang binawian ng buhay at nagbago dahil sa COVID-19 pandemic at mga nagdaang kalamidad.
Pero ayon kay Pangulong Duterte, nagawa pa rin ng mga Pilipino na mag-survive at bumangong muli dahil sa pagkakaisa, katatagan at hindi pagsuko.
“But through it all, we continue to survive and rise because of our unity, strength and indomitable spirit of Filipino,” ani Pangulong Duterte.
Inihayag ni Pangulong Duterte na ngayong Christmas season, hayaan aniya na ang kapanganakan ni Hesus ang magpaalala sa lahat na dapat magkaroon ng pag-asa kahit sa gitna ng kadiliman, kahirapan at pagdurusa.
“This Christmas season, let the story of Jesus Christ’s birth remind us that we should always have hope even in darkness, poverty and suffering,” dagdag ni Pangulong Duterte.