-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang lalakeng sanggol sa Alamada, Cotabato, limang araw pa lang matapos itong ipinanganak, dahil sa Coronavirus Disease (Covid-19) related diseases.

Ito’y batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH-12).

Ang 5-day old baby ay kabilang sa dalawang namatay sa bayan dahil sa COVID kung saan ang isa pa ay isang 29 anyos na babae.

Dahil dito, umakyat na sa 22 ang COVID-related deaths sa Alamada.

May 9 namang bagong nadagdag sa tala ng mga nahawaan nito kung kaya’t abot na sa 263 ang total confirmed cases.

Nasa 210 naman ang mga gumaling nang madagdagan ng dalawa pang pasyente na nakarecover na at nakauwi sa kanilang tahanan.

Sa ngayon, nasa 31 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Alamada.