-- Advertisements --

Ikinatuwa ng mga pampasaherong Jeepney sa National Capital Region (NCR) ang pagpapanatili pa rin ng 70 percent ngayong panahon ng kapaskuhan.

Sa inilabas na kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magiging epektibo ang nasabing 70 percent capacity mula Disyembre 9 hanggang Enero 4, 2022.

Lahat naman ng pampasaherong sasakyan sa ibang rehiyon ay mananatili sa 50 percent.

Kasama rin sa memorandum na lahat ng mga pampasaherong sasakyan na mula sa Metro Manila ay sundin ang mga passenger capacity na ipinapatupad ng mga lugar na kanilang pupuntahan.