-- Advertisements --

Tiniyak ni DILG Sec Jonvic Remulla na kanilang palalakasin pa ang kapasidad ng mga local government units sa disaster risk reduction management at climate change batay sa ipinag-uutos sa saligang batas.

Ginawa ni Sec. Remulla ang pahayag sa ginanap na Local and Regional Government Assembly, Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction.

Si Remulla ang Vice Chairperson ng NDRRMC.

Nanawagan naman ang Kalihim sa mga LGUs na kailangan ng umaksiyon na ngayon para sa disaster resiliency lalo at ang Asia Pacific region ay isa sa pinaka disaster prone areas sa mundo.

Siniguro din ni Remulla na ipagpatuloy ng DILG ang pagbibigay ng policy guidance, technical support at capacity interventions sa LGUs upang masiguro na ang mga ito ay empowered at may sapat na kakayahan na pangunahan ang disaster risk reduction efforts sa kani kanilang mga lugar.