-- Advertisements --
DOJ secretart remulla dapat na magbitiw

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nasa pangangalaga na nila ang ang kapatid na babae ng umano’y middleman sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percival Mabasa, o Percy Lapid.

Ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang kapatid ng pumanaw na si Jun Globa Villamor ay na-turn over sa kanila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinasabing bago pa man mamatay si Jun Villamor noong Oct. 18 sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kung saan siya ay isang person deprived of liberty (PDL) ay nakapag-text pa ito sa kanyang kapatid na itinago sa pangalang alias Marissa.

Nagtext daw si Villamor na nagsasabig ingatan daw ang sekreto at kung namatay siya saka raw ito ilabas.

Sinasabi pa sa mensahe na kapag nawala daw ito ay iparating kay Joel Escorial na ang nag-utos ay ang 3 commander sa loob ng Bilibid na Sputnik, Happy Go Lucky at BCJ, na tinaguriang mga Bilibid gangs.

Ang nag-utos naman daw ay galing sa opisina nila.

Ayon pa kay alias Marisa ang kanyang kapatid na si Villamor ay matagal ng magkakilala kina Escorial at isa pang Christopher Bacoto, na isa ring middleman na sangkot sa plano dahil magkababario daw sila.

Una rito ang self-confessed killer na si Joel Escorial, ay nagbulgar sa kanyang affidavit na isang Crisanto Palana Villamor ang kumuha sa kanya para ipapatay umano si Percy Lapid sa halagang P550,000.

Iniutos na rin ni Sec . Remulla ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Villamor sa loob ng NBP.