-- Advertisements --

Pumanaw na ang bunsong kapati ng sikat na gitaristang si Carlos Santana na si Jorge Santana sa edad 68.

Jorge Santana
Jorge Santana/ Twitter Image

Ayon sa representative nito na si John Regna, namatay si Jorge dahil sa matagal na sakit na iniinda na nito.

Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid na Santana at pangalawa na nahilig din na tumugtog ng gitara.

Noong edad 14 pa lamang ito ay tumugtog na ito sa San Francisco at bumuo ng banda sa high school na tinawag na Malibus.

Matapos ang ilang taon pinalatin nila ang pangalan ng banda sa Malo.

Nakagawa sila ng tatlong album na umabot pa sa top 20 ang kantang “Suavecito” o kilalang Chicano national anthem na pinapatugtog sa carne asada kickbacks sa buong bansa.

Gumawa ito ng dalawang solo albums na “Jorge Santana” noong 1979 hangang sumali sa “Santana Brothers” na kinabibilangan ng pinsan nilang si Carlos Hernandez.