-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pumanaw na ang kilalang mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa North Cotabato at Maguindanao.

Nakilala ito na si Hadji Samir Hashim, National Guard Front commander at kapatid ni MILF founder Chairman Sheikh Salamat Hashim.

Naisugod pa si Hashim sa pagamutan ngunit binawian ng buhay dahil sa komplikadong sakit nito.

Kilala si Hashim na matapang na mandirigma ng MILF at lumaban hanggang magamit nila ang tunay na kapayapaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon ay nagdalamhati ang buong pwersa ng MILF at Bangsamoro sa pagpanaw ni Hashim.