CAUAYAN CITY – Nanawagan sa pamahalaan ang kapatid ng pinatay na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait na magsagawa ng malalim na imbestigasyon para malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Constancio Lago Dayag.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mr. Wenster Lago ng Angadanan, Isabela, sinabi niya na ngayong araw sana ang 48th birthday ng kapatid at hangad nilang maiuwi na sa lalong madaling panahon ang kanyang bangkay.
Aniya, duda sila na natural death ang sanhi ng pagkamatay ni Constancia dahil naunang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na namatay sa pambubugbog at pang-aabuso ang kanyang kapatid.
Hangad ng pamilya Lago na mapanagot ang may kagagawan sa pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid.
Si Constancia na isang biyuda ay may tatlong anak at apat na taon na sa Kuwait.