-- Advertisements --

(Update) CEBU CITY – Tiningnan ngayon ng pulisya ang lahat na posibleng anggulo sa pagpatay sa isang drug personality sa loob ng kanyang bahay sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Malubog lungsod ng Cebu.

Una nang kinilala ang napatay na si Cary “Tangkag” Llaguno, kapatid ng napatay na known drug lord ng Cebu na si Tata “Negro” Llaguno.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Captain Dexter Basirgo, ang hepe ng Mabolo police station na basi sa imbestigasyon pinasok umano ng 20 katao ang bahay ng biktima, pinalabas ang mga kasama nito at pinagbabaril hanggang sa mamatay.

Pagkatapos umanong patayin ang biktima ay sinunog pa ang bahay nito.

Nang madatan ng pulis, naabo na ang naturang bahay pati ang katawan ng biktima ay sunog na rin.

Kaya nahirapan umano ang mga pulis na makakuha ng ebidensya.

Sinasabing subject for verification naman ang sinabi ng mga witness na 20 katao ang lumusob sa bahay ni Llagubo at inaalam kung meron ba itong nakaaway at kung meron itong malaking atraso.

Tinitingan din nila ngayon ang anggulo ng iligal na droga dahil napag-alaman na matapos mamatay ang kapatid nitong si Tata Negro ito na raw ang sumunod sa iligal drug trade.