Nagpapatunay lamang umano na determinado ang Turkey sa paglaban nila sa Islamic State of Iraq and the Levant (ISIS) matapos arestuhin ng mga otoridad ang kapatid ng napatay na leader ng grupo na si Abu Bakr Al-Baghdadi.
Nahuli ang 65-anyos na si Rasmiya Awad sa isinagawang raid ng mga otoridad malapit sa lungsod ng Azaz. Kasama nito ng mga oras na iyon ang kaniyang asawa at limang anak.
Ayon sa isang opisyal mula sa Turkey intelligence, kasalukuyan umanong isinasailalim sa interogasyon si Awas upang malaman ang mga impormasyon na nalalaman nito tungkol sa nasabing grupo.
“This kind of thing is an intelligence gold mine. What she knows about (ISIL) can significantly expand our understanding of the group and help us catch more bad guys,” saad ng opisyal.
Ginawa ang pag-aresto ilang araw lamang matapos ianunsyo ni President Donald Trump ang tagumpay na pagpatay ng US Forces kay Al-Baghdadi.