Pumanaw na ang kapatid ni US President John F Kennedy na si Jean Kennedy Smith sa edad 92.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na babae na si Kym.
Naging US ambassador ito sa Northern Ireland na nagtaguyod ng peace process.
Siya ang pangalawang pinakabata sa siyam na magkakapatid na Kennedy na kinabibilangan nina President JFK at Senator Robert Kennedy.
Itinuturing na siya ang huling-surviving na anak ng mag-asawang sina Joseph P Kennedy at Rose Fitzgerald.
Dekada ’90 ng naging US ambassador ito sa Ireland na naging mahalaga ang papel sa tangkang pagtatapos ng sectarian violence sa Northern Ireland.
Noong 2011 ay ginawaran siya ni US President Barack Obama ng Presidential Medal of Freedom isang pinakamataas na civilian honour ng US.
Siya ang nagkampanya sa kaniyang kapatid na si John F Kennedy ng tumakbo sa pagkapangulo noong 1960 at noong 1993 na hinirang ni President Bill Clinton bilang ambassador sa Dublin.
Ipinanganak noong Pebrero 20, 1928 sa Boston, Massachusetts na nag-aral ng English sa Manhattanville college at ikinasal kay Stephen E Smith, isang transportation executive.