-- Advertisements --

Dinala sa pagamutan si Princess Anne ang nakakabatang kapatid ni King Charles III dahil sa injury sa ulo.

Ayon sa Buckingham Palace na patuloy itong nagpapagaling na ang injury ay kaniyang natamo matapos mahulog sa pangangabayo.

Una ng sinabi ng Buckingham Palace na ang 73-anyos na nag-iisang anak na babae ng namayapang Queen Elizabeth II ay nagtamo ng maliit na sugat.

Nagpapagaling na ito ngayon sa Southmead Hospital sa Bristol, west England.