Ipinadala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kapatid nitong babae na si Irene Romualdez Marcos Araneta para maging special representative nito sa State Funeral ni Queen Elizabeth II.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, na sasamahin siya ng asawang si Gregorio Maria Araneta III.
Si Irene ay pangatlong anak nina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr at dating first lady Imelda Marcos.
Una ng nakaalis na kasi sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para dumalo sa United Nations General Assembly sa New York.
Inaasahan kasi ng ilang daang mga foreign royals at leaders na dumalo sa state funerals ng Queen Elizabeth II sa araw ng Lunes.
Naglaan ang Westminster Abbey ng 2,000 katao at 500 head of state at foreign dignitaries.
Ilan sa mga matataas na opisyal na dadalo sa state funeral ni Queen Elizabeth ay sina US President Joe Biden at asawang si Jill Biden, French President Emmanuel Macron, Japan Emperor Naurhito at Empress Masako, Dutch King Williem-Alexander, Queen Maxima at Crown Princess Beatrix, Philippe King of the Belgians, King Harald V of Norway at Prince Albert II of Monaco at ibang mga opisyal.