KORONADAL CITY – Nananawagan ang mga otoridad at iba’t-ibang sektor na sana ay tigilan na ng New People’s Army ang kanilang ilegal na ginagawa at pagsasagawa ng karahasan sa mga mamamayan.
Ito ang bahagi lamang sa kanilang apela sa isinagawang indignation rally sa bayan ng Sto. Nino, South Cotabato nitong Huwebes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Lt. Diogenes Hare, deputy chief of police ng Norala PNP, ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyal ng barangay, BPATS, at iba pang mga sektor.
Dito kanila ring ipinapanalangin ang pangingibabaw ng kapayapaan sa buong rehiyon 12, at naway magbalik-loob na ang mga rebeldeng grupo dahil naghihintay ang mga magagandang programa ng pamahalaan para sa kanila.
Nabatid na ang nasabing rally ay inisyatibo ng PNP at DILG kung saan tumagal ito ng mahigit isang oras.