-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Kasabay ng pagbangon ng Marawi City mula sa pinagdaanang giyera dalawang taon ang nakakalipas, panalanging mga Muslim na tuluyang mabalik ang siyudad na winasak ng digmaan.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Mukhtar Gerifaal ng Muslim Community sa Cauayan City, Isabela na isa ang dasal para sa Marawi sa ipinanalangin ng kanilang komunidad ngayong Eid’l Adha.
Tubong Marawi City at kasulukuyang nakatira sa Isabela si Gerifaal.
Bukod sa bumabangon na siyudad, ibinahagi nito na kasama rin sa kanilang dasal ngayong “Feast of the Sacrifice” na maging mapayapa at tahimik na ang kanilang pamumuhay bilang mga Muslim.