-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinapanalangin ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa bansa sa pagdiriwang ng Eidul Fitr ngayong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni NCMF Secretary Saidamen Balt Pangarungan na kabilang sa idinudulog nila kay Allah ay ang pagkakaroon ng tunay na kapayapaan at pagkakaisa upang maging mas mabilis ang pag-unlad ng bansa partikular sa mga mahirap na mga lugar sa Mindanao.

Ipinapanalangin daw nila na makamit na rin ng Mindanao ang matagala nang inaasahang kapayapaan matapos na maitatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi rin nito na sa pagtatapos ng kanilang Ramadan ay umaasa siyang hindi makalimutan ng mga kapwa niya Muslim kung ano ang kanilang mga ipinapangako at hinginging patawad sa kay Allah.

CAGAYAN DE ORO CITY-
Ipinapanalangin ngayon ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang pagkamit ng kapayapaan at pagkakaisa ng bansa sa pagdiriwang ng Eidul Fitr.

Sa panayam ng Bombo Radyo inihayag ni NCMF Secretary Saidamen Balt Pangarungan na kabilang sa idinudulog nila kay Allahay ang pagkakaroon ng tunay na kapayapaan at pagkakaisa upang mas mabilis ang pag-unlad ng bansa partikular sa mga mahirap na mga lugar sa Mindanao.