-- Advertisements --

Dasal ng mga Filipinong Muslim dito sa kalakhang Maynila sa paggunita nila ng Eid’l Fitr ngayong araw na sana ay magkaroon na ng kapayapaan at pagkakaisa sa bansa, lalo na ang siyudad ng Marawi kung saan nagpapatuloy ang operasyon ng militar laban sa mga teroristang Maute.

Libu-libong mga Muslim ang nagtungo sa Golden Mosque sa Quiapo at sa Quirino grandstand at sa open grounds ng Quezon City Memorial Circle para magdasal.

Pahayag ng mga kapatid nating Muslim na malayo man sila sa kanilang mga kababayan nananatili naman ang mga ito sa kanilang puso at isipan.

Umaasa ang mga ito na maka recover kaagad ang Marawi sa sinapit nitong pag-atake.

Habang ang iba ay umaasa na matapos na ang giyera sa siyudad sa lalong madaling panahon.

Nasa 3,500 na mga Muslim ang nagtungo sa Quezon City Memorial circle para magdasal.