Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga residenteng sinalanta ng bagyong Ulysses.
Ayon sa Pangulo, malalagpasan ng mga Filipino ang panibagong hamon sa buhay.
“As one nation kapit po tayo, mga kababayn, mag bayanihan po tayong lahat. Alam mo meron tayong mga assets na bago, the Coast Guard, yung gamitin nila sa tubig and the fast vessels that are with the Navy and yung Air Force natin, marami tayong helicopter, as the weather is still whirling, umiikot pa rin yung hangin, hindi pa maka trabaho, hindi pa makalipad,” ani Pangulong Duterte.
Kumikilos na aniya ang mga sundalo at pulis para magsagawa ng rescue operations.
Naka-standby na rin aniya ang mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.
“But all of these pati sundalo, nauna na po yan, yun pa lang, pagdating ng advisories sa atin, naka pondo na ang mga tao. The goods are there, people have been mobilzed and deployed, kaya pagdating ng bagyo nandyan na, nagtrabaho na sila,” pahayag pa ng Pangulo.