Nandigan si Cavite Governor Jonvic Remulla na hindi na kailangan na magsagawa pa sila ng imbestigasyon sa barangay kapitan at barangay treasurer na nasangkot sa sex scandal.
Ayon kay Remula nag-resign na kasi ang tinaguriang si Kapitan Estil at ang treasurer.
Sa kabila nito, binigyang diin ni Remulla na hindi naman sila nagpapabaya sa pagpanagot kung meron mang katiwalian sa kanilang nasasakupan.
Una rito, nag-trending sa social media ang sex scandal nina kapitan at tresurera.
Batay sa kuwento, hindi raw kasi akalain ng barangay chairman ng Barangay Fatima Dos na naka-on na pala ang zoom video at naka-focus sa kanya.
Sinasabing ang pag-uusapan sana sa zoom video ng iba pang mga barangay officials ay sa isyu sa pagharap sa problema sa COVID pandemic.
Pero bago ang zoom meeting, makikita sa kumalat na video na sumimple muna si kapitan at tresurera at kitang-kita sa iba pang mga naka-monitor sa zoom video ang ginagawa nilang
Samantala, nakiusap din naman si Gov. Remulla na sana “mag-move on” na lamang dahil sa labis na rin ang kahihiyan na dinaranas ng mga pamilya ng kapitan at tresurera.
“I will not defend their actions, they are inexcusable and ignorant. What I am asking for, is a little compassion. I am sure the families involved are wounded and hurting deeply. Dala nila ang kahihiyan na ito habang buhay. The humiliation alone is enough punishment for those involved. Kaya’t tayong mga hindi naman kasali sa isyu na ito, dapat MOVE ON na rin,” ani Remulla sa kanyang FB statement. “Gamitin ang ating oras at atensyon sa mga bagay na may saysay para sa ikabubuti ng sarili. Bawal judgmental.”