-- Advertisements --
LONDON – Dinakip ang kapitan ng barkong may pangalang Solong matapos itong bumangga sa nakaangkla na oil tanker na Stena Immaculate sa North Sea, na nagresulta sa sunog sa parehong barko.
Tatlumpu’t anim na tao ang nailigtas, ngunit nawawala ang isang crew member ng Solong na pinaniniwalaang namatay.
Sinimulan ng mga awtoridad ng U.K. ang imbestigasyon sa insidente at inaresto ang isang 59-taong-gulang na lalaki dahil sa gross negligence manslaughter.
Ang parehong barko ay nagkaroon ng malaking pinsala at iniwan ng kanilang mga crew matapos ang sunog.
Nabatid na ang Stena Immaculate ay may dala na 220,000 barrels ng jet fuel na naging sanhi ng mga pagsabog matapos ang banggaan.