-- Advertisements --
MV Siargao Princess captain

CEBU CITY – Binigyang parangal ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) ang kapitan ng barkong MV Siargao Princess dahil sa kabayanihan nito.

Kung maaalala, iniligtas ng kapitang si Petty Officer 3 Ralph Barajan ang 62 pasahero ng MV Siargao Princess nang muntik itong lumubog noong Nobyembre 7 sa baybayin ng Sibonga, Cebu.

Kinilala ni OPAV Secretary Michael Dino ang pagiging bayani ni Barajan dahil siniguro niya ang kaligtasan ng mga pasahero ng barko.

Ayon naman kay Barajan, hindi ito nagpadala sa takot at pagkataranta nang na-half-submerge ang kanilang barko kaya mas nabigyan niya ng pansin ang kaligtasan ng mga bata at matatanda.

Dagdag pa ng kapitan na hindi niya gugustuhing may mamatay na ilang pasahero sa harapan nito.

Bukod sa plaque of recognition at promotion, makakatanggap si Barajan ng P20,000 na reward mula kay Pangulong Rodrigo Duterte at Senator “Bong” Go.

Pinuri rin ng OPAV ang Philippine Coast Guard-7 dahil sa agaran nitong pagresponde at pag-rescue ng mga pasahero sa palubog na barko.