-- Advertisements --
Naaresto na ang kapitan ng barko na sumadsad at nagdulot ng oil spill sa karagatan ng Mauritius.
Ang 58-anyos na si Suni Kumar Nandeshwar ay kinasuhan na ng endangering safe navigation.
Humarap na rin ito sa district court sa Port Louis para sa pagdinig ng kaniyang kaso.
Ang Indian Captain ay siyang namumuno sa Japanese-owned MV Wakashio na may lamang 4,000 toneladang langis at sumadsad sa coral reef ng Pointe d’Esny noong July 25.
Nailipat sa ibang barko ang mahigit 3,000 tonelada subalit ang iba ay tumagas na na nagdulot ng pagkasira sa dinarayong coral reef.
Nahati pa sa dalawa ang nasabing barko kung saan nahirapan ang mga otoridad na dalhin ito sa gilid ng dagat dahil sa malakas na alon.