-- Advertisements --

MANDAUE CITY – Arestado ang isang lalaki sa pamamagitan ng entrapment and rescue operation ng pulisya sa Station 2, Mandaue City Police Office na pinamumunoan ni Police Lieutenant Rongy Cidro, ang deputy station commander kasama ang Women’s and Protection Desk Chief Police Corporal Angie Lepiten, sa ilalim ng kanilang hepe na si Police Major Romeo Caacoy, Jr. at sinamahan ng isang social worker na si Fedilina Pesquera, sa isang motel sa Mantawi Drive, Subangdako, Mandaue City.

Isinagawa ng pulisya at ng social worker ang operasyon matapos nag-reklamo ang biktima na isang 16 taong gulang at ang guardian nito.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Macarlito Miro Culanag, 54 taong gulang, kapitan ng isang tugboat na naka-angkorahe sa lungsod ng Danao, at ito’y residente ng Canlumacao, Santander, probinsiya ng Cebu.

Base sa imbestigasyon, noong Setyembre 9 nakikipagkita ang suspek sa biktima at dinala ito sa isang inuman at nang nalasing ay diumano’y dinala ng suspek ang menor de edad sa motel at doon ginahasa at kinunan pa ng video kung saan makikita ang hindi kanais-nais na ginawa nito.

Inihanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse, RA 8353 in relation to RA 7610 at RA 10175 o Cybercrime Prevention Act, laban sa nasabing suspek.

Sa ngayon ay nakabilanggo ang suspek sa detention cell ng Police Station 2 ng Mandaue City Police Office.