-- Advertisements --
boat hungary

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang kapitan ng tumaob na bangka sa Budapest, Hungary na may sakay na 35 katao.

Nabatid ng mga otoridad na isang Ukrainian citizen ang kapitan ng nasabing bangka. Alinsunod sa batas ng Hungary, itinago ang suspek sa pangalang Yuriy C, 64-anyos.

Kaagad ikinulong ang kapitan matapos itong kwestyunin sa di-umano’y reckless misconduct na kanyang nagawa.

Kinumpirma naman ni Police colonel Adrian Pal na hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang search and rescue operation na kanilang ginagawa upang mahanap ang katawan ng 21 pasahero na nawawala.

Dagdag pa nito, 14 sa mga pasahero ang kanilang nailigtas habang ang 7 naman sa kanila ay nakaranas ng hypothermia pero ngayon ay nasa stable condition na.

Nagpaabot naman ng kanyang pakikiramay si Hungarian Prime Minister Viktor Orban sa mga taga Seoul, Korea.

Sinigurado naman ni South Korean President Moon Jae In na patuloy ang pakikipagtulungan ng South Korean officials sa imbestigasyon sa nangyaring aksidente.