-- Advertisements --
Batasan Makilala North Cotabato quake

KORONADAL CITY – Patay ang isang barangay chairman ng Batasan, Makilala, North Cotabato matapos mabagsakan ng gumuhong barangay hall habang niyayanig ng panibagong magnitude 6.5 na lindol nitong umaga na naramdaman sa malaking bahagi ng Mindanao.

Sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Koronadal, bigla na lamang bumigay ang gusali ng barangay nang mangyari ang malakas na lindol na naging dahilan umano ng kamatayan ni Brgy. Batasan kapitan Cesar Bangot.

Samantala sa Kidapawan City, gumuho ang Eva Hotel ngunit maswerte at inabandona na ang gusali bago pa man ito gumuho.

Habang sa Koronadal nasira rin ang Gaisano Grand Mall kung saan bumagsak ang malaking bahagi nito.

Nagmistulang ghost town sa ngayon ang malaking bahagi ng South Cotabato kung saan halos lahat ng establisyemento ay pansamantalang sarado ngayon.

Inaasahan namang madadagdagan pa ang 17,000 na mga bakwit mula sa iba’t ibang mga bayan sa North Cotabato dahil sa patuloy na mga paglindol.

Matatandaang nitong pasado alas-9:00 ng umaga tumama ang magnitude 6.5 kung saan naramdaman ang Intensity 7 sa Tulunan, Cotabato, Kidapawan City, Sta Cruz, Matanao, Bansalan, kag Magsaysay, Davao del Sur, Intensity VI sa Koronadal City, Tampakan, South Cotabato, Intensity V General Santos City, Tupi, South Cotabato, Isulan, Sultan Kudarat, at Intensity IV sa Lebak, Sultan Kudarat.

Evas
Eva’s Hotel in Kidapawan City (photo from Bombo Garry Fuerzas)