-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patay ang isang punong barangay sa bayan ng Bangued, lalawigan ng Abra matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek sa Lubong Proper, Bangued, Abra, bandang 6:20 ng umaga ng Lunes.

Nakilala itong si Robert Villastiqui na kasalukuyang Barangay Chairman ng Lubong, Bangued, Abra.

Batay sa report ng Bangued Municipal Police Station, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo at bibili sana ng sigarilyo.

Gayunman, doon na ito pinagbabaril ng lalaking suspek.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sinabi naman ng mga testigo na nakasuot ang suspek ng pulang long sleeve, itim na short pants at sombrero na agad tumakas patungo sa direksion ng provincial road ng Casili East, Bangued, Abra.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing krimen.