-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nasa bilanggoan ngayon ang isang senior citizen na kapitana sa Barangay Dankias, Butuan City matapos inaresto sa pamamagitan sa judgement order na may petsang Enero 10, 2023 at ipinalabas ni Hon. MARIGEL S. DAGANI – HUGO, Presiding Judge sa Regional Trial Court Branch 3, Butuan City.

Nakilala ang nadakip na kapitan na si Adela Baclayon Butcon, 60-anyos na residente sa Purok 2, Brgy. Dankias, Butuan City.

Hinuli ito matapos nakumbikto sa kremin na paglabag sa RA 3019 o ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT ilalim sa Criminal Case No. 2022-139. Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Police Major Rodel Dorado, hepe sa Butuan City Police Station o BCPS-3, nilinaw nitong mayroon silang sinunod na proseso bago ihatid ngadto sa Butuan City Jail si Kapitana Butcon.

Ayon pa sa opisyal na sasailalim sa 21 araw na quarantine ang hinuli na sundan sa medical examination kung saan titiyakin ang physical condition bago e-indorso sa City Jail.

Napag-alaman na noong Enero 19 sa alas 4:40 ng hapon nang nai-serve ang nasabing judgement order sa loob ng Hall of Justice, Brgy. Libertad, Butuan City.