Binaha a ng apat na barangay ng Alabel Sarangani pati na ang kaptitolyo matapos ang malakas na pag-ulan kayat umapaw sa dalawang sapa ang tubig.
Ito ang paglarawan ni Provincial Disaster Risk reduction Management Office Head rene Punzalan matapos nangyari ang pag-ulan. Ayon kay Punzalan na walang naminotor na Low Pressure area habang naranasan sa lugar ang habagat.
Nalaman na ang tubig ang nagmula sa itaas na bahagi ng Barangay Bagacay at Paraiso at bumaba sa poblacion at tinamaan ang Barangay Poblacion, Kawas, ladol at Cogonal.
Sinabi din ni Punzalan na ito ang unang pagkakataon na binaha ang nasabing lugar gayong ngayon lang nagyari na pumasok ang tubig sa luob ng Kapitolyo matapos umapaw ang tubig sa Molo creek.
Wala nang ulat na may naanod na residente matapos nakabakwit kaagad ang mga residente habang ang iba naman ang hindi na umalis na pamamahay.
Dagdag pa ni Punzalan na nagyari ang pagbaha matapos nakauwi ang mga empliyado habang balik normal na ang pagdaan ng mga sasakyan papunta sa bayan ng Malapatan at Glan ng Sarangani