-- Advertisements --

Idineklara ng Malacañang ang araw ng kapiyestahan ng Itim na Nazareno sa lungsod ng Maynila bilang special non-working holiday.

Ayon sa Malacañang na kaya idineklara ang Proclamation No. 766 na kaya ipinatupad ang special non-working holiday para matiyak ang kaayusan ng prosesyon ng mga deboto at pagsasaayos ng mga trapiko.

Una ng sinabi ng Manila Police District na magtatalaga sila ng maraming mga tauhan simula Enero 8 at ipapatupad ang gun ban ganun din ang pagsasara ng ilang mga kalsada bago ang kapiyestahan.

Magpapatupad naman ang Philippine Coast Guard ng “no-sail zone” sa one-kilometer radius mula sa Quirino Grandstand mula Enero 6 hanggang Enero 10.

Ang nasabing kapiyestiyahan ay dinarayo ng ilang milyong mga deboto.